top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Problemado sa iskul | ESTUDYANTE NAG-SUICIDE

Maeng Santos
Nov 7, 2018
1 min read

“PATAWAD mama and papa, patawad po sa lahat, love na love ko po kayo, thank you po sa lahat, sorry kung na­gawa kong tapusin ang aking buhay, I love you, sorry, thank you”.

Ito ang nakasaad sa suicide note na iniwan ng 17-anyos na estudyante mata­pos magbigti dahil umano sa problema sa paaralan sa Ca­loocan City, kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si ‘Bernard’, Grade 12 stu­dent, na nadiskubre ng kan­yang tiyahin na si ‘Melly’ na nakabigti sa 5th floor ng kanilang bahay sa Bagum­bong, gamit ang nylon cord, ala-1:25 ng mada­ling-araw.

Sa pahayag sa pulisya ni ‘Melly’, nagising siya at hin­di niya nakita ang kanyang pamangkin sa kuwarto nito kaya umak­yat ito sa 5th floor at laking-gulat na la­mang nito nang madiskubre ang nakabig­ting katawan ng biktima.

Agad itong nagtungo sa kuwarto ng mga ma­gulang ng binatilyo.

Natagpuan ng rumes­pon­deng mga tauhan ng Caloocan City Police Com­­munity Precinct (PCP) 6 sa pangu­nguna nina PO1 Gian Carlo Semilla at PO1 Elmer dela Rose sa crime scene ang sui­cide note ng biktima sa ibabaw ng mesa sa 3rd floor ng bahay.

Ayon sa ama ng bik­tima, dumaranas ng dep­resyon ang kanyang anak dahil uma­no sa problema sa pa­aralan na hindi ti­nukoy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page