Lalaking bet na makipagbalikan sa ex-bf

Dear Roma,
Ako si JM, gusto kong humingi ng payo tungkol sa nararamdaman ko para sa ex kong si JC. Pareho kaming bisexual, pero tanggap naman ‘yun ng mga pamilya namin. Sa totoo lang, mahal ko pa rin si JC, hindi ko nakikita ‘yung buhay ko na hindi ko siya kasama, kaya ngayon, gusto ko siyang suyuin para magkabalikan kami. Nahihirapan na rin kasi ako dahil hindi ako makapag-focus sa trabaho. Ano ba ang dapat kong gawin? — JM
JM,
Alam mo, bro, ‘di ba, ang sabi ng iba, kung ano ang nasa puso mo, sundin mo? Ibig sabihin, kung mahal mo pa talaga si JC, walang masama kung susuyuin mo siya. Pero, palagi mong tatandaan na hindi lahat ng suyuan ay nauuwi sa balikan, kaya dapat ay handa ka ring masaktan.
Kakayanin mo ‘yan, bro, tiwala lang. Good luck at God bless!





Comments