top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bahay ginawang drug den | COMMERCIAL MODEL, TIKLO SA DROGA

Mylene Alfonso
Nov 7, 2018
1 min read

NASA kustodiya ng National Bureau of Inves­tigation (NBI) ang isang commercial model matapos masamsam ang hinihinalang party drugs at liquid ecstasy sa loob ng kanyang bahay sa isang exclusive subdivision kamakalawa ng gabi sa Min­danao Ave., Quezon City.

Isinagawa ang pagsala­kay sa bahay ng suspek na si Zuher Bautista, sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Virgilio Macaraig ng Manila Regional Trial Court Branch 37, alas-10:00 ng gabi.

Una rito, nagsagawa umano ng surveillance ang NBI kaya nalaman na gi­na­gawang drug den ang bahay ni Bautista kung saan sa mismong kuwarto nito gina­gawa ang drug session.

Nadiskubre ng mga ahente ng NBI sa lagayan ng mga candy, ang ilang tableta na hinihinalang party drugs.

Habang nakalagay na­man sa iba’t ibang botelya ang hinihinalang liquid ecs­tasy.

Batay sa imbestigasyon, mga kabataan at kapwa modelo ang madalas uma­nong kasama ni Bautista.

Itinanggi naman ng sus­pek ang mga nakuhang droga at matagal na umano nang huli siyang gumamit.

Inamin ni Bautista na mahilig siyang mag-party pero, hindi umano nila trip ang pagdodroga.

Inimbitahan din ng NBI ang mga kaibigan ni Bautista na naabutang kasama niya nang isagawa ang raid.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page