• Pabs Hernandez III

2 tulak dedbol sa shootout

NUEVA ECIJA—Dalawang drug pushers ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Mangilo, Gapan City sa lalawigang ito.

Nakilala ang mga suspek na sina Matthew Domingo at Jericho Cuadro, kapwa nakatira sa Cabanatuan City.

Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya sa drug-bust operation sina Domingo at Cuadro, pero biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad.

Dahil dito, gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang dalawang suspek.

1 view0 comments
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.