WORDS OF WISDOM, ANGAT SA LABAN
- Green Lantern
- Nov 6, 2018
- 1 min read

PITONG malulupit na line-up sa programa ng karera ang nakalatag ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Kaya pag-aralan na natin ang mga tatakbong kabayo para makasilip at sana makatulong ang mga tips na ibibigay ko sa inyo.
Sa Race 1 tip ko ulit si Isangkahigsangtuka, (7) panegunda si Congregation, (6). Pili ko sa Race 2 si Aston Martin, (2), pamorkas si Quiet Whisperer, (3)
Kursunada ko yung magkakamping Storm Apo, (1) at South Apo, (1A) sa Race 3, isama natin sina Yssa’s Will, (4) at Gymnast, (6). Tatlo pili ko sa Race 4, sina Morning Breeze (1) This Time, (7) at Imcoming Imcoming, (6).
Si Words Of Wisdom, (2) ang tingin kong angat sa laban sa Race 5, pili kayo sa pamorkas na Masikap, (1) at Casino Sharp, (4).
Kina, Case Belle, (8), couple entring Jawo, (1) at Beyond D’ Sea, (1A) at Born April, (10) ako lalagay sa Race 6 habang sa Race 7 ay sina Lady Zip, (10), Mitchell Park, (11) at dehadong Pendant, (6) ang sipat ko.





Comments