Search
  • BULGAR

Para maiwasan ang “padala na, naging bato pa” Seguridad ng balikbayan boxes, tiyakin!

RYAN B. SISON / BOSES

NALALAPIT na ang Pasko kaya masaya kung magkakasama ang bawat pamilya.

Kaya lang may ilan sa atin ang hindi ma­tutupad ang ganitong nakaugalian dahil sa ibang bansa nagtatrabaho ang kanilang mga kamag-anak, pero para makabawi kahit papa­ano, nakapag-ipon na sila ng mga padala na pang noche buena at media noche, gayundin, ang regalong ini-request natin sa kanila tulad ng sapatos, damit, relos, gadget, tsokolate at marami pang iba.

Pero, ang saya na ating nadarama ay biglang mapapalitan ng galit dahil karamihan ngayon sa mga nagpapadala ay nananakawan ang ba­likbayan boxes nila, ‘yung iba pinapalitan ng mga lokal na produkto at kapag minamalas ka talaga, wala na halos ititira.

Kaya pinaalalahanan ang Bureau of Cus­toms (BOC) sa umiiral na Customs Moderniza­tion and Tariff Act na nagbibigay ng proteksiyon sa mga balikbayan box, lalo na ngayong na­lalapit na ang kapaskuhan.

Gayunman, nakasaad sa batas na hindi ma­aaring buksan at kalkalin ang kahon ng basta-basta.

Gayundin, hindi kailangang buwisan ang balikbayan boxes kung hindi lalagpas sa P150, 000 ang halaga ng laman.

Dagdag pa rito, hindi na kailangan pa ng kopya ng mga resibo ng mga laman ng kahon, passport, I.D., OWWA card at work permit ng nagpadala ng kahon.

Samantala, base sa datos ng Bureau of Cus­toms, 400,000 balikbayan boxes ang duma­rating sa bansa kada buwan at dumodoble ito tuwing kapaskuhan.

Kaya ang hiling natin sa pamahalaan na lalong paigtingin ang proteksiyon hinggil sa mga balikbayan box nang sa gayun ay makara­ting ito ng kumpleto at maayos pa.

At palagi nating tatandaan na lahat naman tayo ay may kani-kanyang pangangailangan, pero magandang makuha ito kung pinaghirapan at hindi ninakaw sa iba nating mga kababayan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.