Search
  • BULGAR

Pabertdey ni congw. sa sarili… VILMA, 2 DOSENA ANG KASAMA SA BAKASYON SA HK

Ador Saluta / ADORE ME!

SA kaarawan mismo ni Congresswoman Vilma Santos-Recto, ipina­abot namin kay VSSI (Vilma Santos Solid International) President Jojo Lim ang aming pagbati sa 65th birthday ng Star for All Seasons.

Ayon kay Jojo, November 4 ay nakabalik na ng ‘Pinas ang aktres-pulitiko mula sa week-long vacation sa Hong Kong kasama ang kanyang entourage of almost 2 dozens na binubuo ng kanyang asawang si Sen. Ralph Recto and son Ryan, sister Emelyn, brother Sonny Boy, nephew Carla, Raymund Isaac, mga staff sa kanyang opisina at ilang closest friends nina Ate Vi at Ralph.

Wala pang announcement kung may bonggang post-birthday event si Ate Vi, but knowing her, taun-taon ay may sorpresa siya lagi sa kanyang mga Vilmanians.

Anyway, nitong nakaraang November 3, kaarawan mismo ni Congw. Vilma, ay ipi­nalabas ang taped interview sa kanya bi­lang special episode ng The Bottomline hosted by Kuya Boy Abunda.

Sa nasabing panayam sa Star for All Seasons, sinabi ni Vilma na kung sakaling gagawing pelikula ang kuwento ng kanyang buhay, dalawang aktres ang naiisip niyang gumanap bilang siya — sina Kathryn Bernardo at Julia Barretto.

Gusto rin niyang makasama ang ‘new blood’ sakaling gagawa siya ng bagong proyekto at inihalimbawa nga niya sina Daniel Padilla, James Reid at Joshua Garcia.

Pero sa ngayon, third priority lang daw niya ang pag-arte, pangalawa ang kanyang pamilya at una ang public service.

Wala pa ring balak na mag-retire si Ate Vi sa edad na 65. Siya raw ay titigil lang ‘pag sa tingin niya ay ‘di na naniniwala sa kanyang mga programa ang kanyang mga constituents sa nag-iisang distrito ng Lipa, Batangas.

“Kapag naramdaman ko na hindi na ‘ko pinaniniwalaan sa mga gusto kong gawin at nakikita kong hindi na nila ako handang suportahan bilang isang leader,” aniya pa na dahilan para mag-retire na siya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.