- Levi Gonzales
Lalaki niratrat ng kalugar
PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang 35-anyos na binata ng kanyang kapwa magsasaka sa Sitio Buhay, Bgy. Butucan, Nasugbu, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Leo Gonzales, habang ang suspek ay si Cenon de Guzman, 41, kapwa residente sa naturang lugar.
Batay sa imbestigasyon, pasado alas-11:00 ng gabi nang matagpuang duguan at wala ng buhay ang biktima na nakahandusay sa gilid ng kalsada.
Natukoy ang responsable sa krimen base naman sa nakakita ng pangyayari.
Sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad, naaresto ang suspek at patuloy itong iniimbestigahan.