top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahil sa Martial Law sa Mindanao — PNP | KRIMEN, BUMABA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 6, 2018
  • 1 min read

SANG-AYON ang lide­rato ng Philippine National Police (PNP) na palawigin pa ang Martial Law sa buong Mindanao Region.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ibibigay nila ang buong suporta sa­kaling magdeklara ang com­mander-in-chief ng Martial Law extension.

Base sa record ng PNP, mula sa 8.79% noong 2017, bumaba sa 5.92% ang crime rate ngayong taong kasalu­kuyan sa kabuuan ng Min­danao dahil sa pagpapatupad ng Martial Law.

Nakatulong aniya ang checkpoints ng pulisya.

Matatandaang, nagdek­lara ng Martial Law si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa Mindanao makaraang saku­pin ng ISIS at Maute Group ang Marawi City.

Samantala, nakatakdang magtapos sa hatinggabi ng December 31, 2018 ang Mar­tial Law kapag hindi ito pinalawig ng pamahalaan base na rin sa approval ng Kongreso. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page