- BULGAR
Babala sa mga mayroong dugo sa ihi!
SHANE M. LUDOVICE, M.D / SABI NI DOC
Dear Doc. Shane,
Ako ay 66 years old at isang biyudo. Ang problema ko kapag umiihi ako ay may kasamang dugo sa aking ihi, gayundin, hirap ako sa aking pag-ihi. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit may dugo sa ihi ko? — Dolfo
Sagot
Maraming puwedeng maging sanhi ang pagkakaroon ng dugo sa ihi o pamumula sa ihi na kung tawagin ay ”hematuria”.
Narito ang ilang maaaring sanhi nito:
Kung tayo ay mahilig tumakbo o mag-jogging, puwedeng maging pula ang kulay ng ihi dahil nadadale nito ang pantog.
Sakit sa bato kabilang na ang bato sa bato o kidney stones.
Sexually Transmitted Diseases (STD) tulad ng tulo, herpes at iba pa.
Urinary tract infection (UTI).
Pag-inom ng ilang mga gamot tulad ng rifampin.
Gayunman, kung madalas na pula ang kulay ng ihi at nakararamdam o napapansin na ang maraming mga pagbabago, pinapayuhan kayong agad nang magpatingin sa doktor upang matukoy kung ano ang nagdudulot ng pagdurugo at mabigyan ng kaukulang atensiyon tungkol dito.