Search
  • BULGAR

Ayaw umaming nagkabalikan… ANGELICA, SI CARLO ANG KASAMANG NAG-B-DAY SA JAPAN

Melba Llanera / INSIDER

KAARAWAN ng Playhouse lead actress na si Angelica Panganiban nu’ng November 4 at bumuhos ang pagbati sa kanya ng ilang malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Ilan sa mga bumati sa aktres ay ang matalik nitong kaibigan na si John Prats at sina Pokwang, JM de Guzman, Glaiza de Castro, Bela Padilla at Kim Chiu.

Kasama namang nag-celebrate ni Angge sa Japan ang ilang malalapit na kaibigan tulad ni Carlo Aquino kung saan hiling ng marami na magka­balikan na sana sila.

Wala pa mang suwerte sa pag-ibig at ‘di pa nakikita ang tamang tao para sa kanya, hataw at umaarangkada naman ang career ni Angelica. Bukod sa tagum­pay ng Exes Baggage kung saan siguradong kasama sila sa pararangalan sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards sa susunod na taon, humahataw din sa ratings at nakakapit ang mga mano­nood sa Playhouse.

Ngayong ‘di pa alam kung nagbunga ang minsang pagkalimot nina Patty (Angelica) at Marlon (Zanjoe Marudo), may tsansa pa kayang magkabalikan ang dalawa ngayong si Marlon na mismo ang sumuko sa pag-iibigan nila?

Ano ang magiging papel ni Dr. Harold (Carlo Aquino) at isang babae na muling babalik sa buhay ni Marlon (na gagampanan ni Isabelle Daza) sa pag-iibigan ng dalawa?

Ilan lang ito sa mga dapat abangan sa kakilig-kilig at kapana-panabik na mga eksena sa Playhouse na napapanood araw-araw bago ang It’s Showtime.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.