Search
  • Pabs Hernandez III

2 tulak timbog sa buy-bust

BATANGAS—Dalawang drug pushers ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, San Pascual sa lalawigang ito.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Rodney Ilagan at Jennylyn Lodovice, kapwa nakatira sa nasabing bayan.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na sina Ilagan at Lodovice na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.