2 katao tepok sa aksidente
CAMARINES NORTE—Dalawa katao ang namatay nang aksidente mabangga ng SUV ang sinasakyan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Masalong, Labo sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga biktima na sina John Sureta at Eugene Nolasco, kapwa residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng SUV na minamaneho ni Esmael Ansar kaya aksidenteng nabangga nito ang kinalululanang motorsiklo ng mga biktima.
Nabatid na kapwa namatay sa pinangyarihan ng aksidente sina Sureta at Nolasco, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide si Ansar.





Comments