top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Putok ang ulo | 16-ANYOS SININTURON NI TSERMAN

Mylene Alfonso
Nov 5, 2018
1 min read

NAGPUTUKAN ang iba’t ibang bahagi ng ulo at nagkalatay sa katawan ang isang 16-anyos matapos paghahatawin umano ng sin­turon ng kanilang baran­gay chairman, kamakalawa nang gabi sa Sta. Cruz, Manila.

Nagreklamo sa tangga­pan ng Manila Police Dis­trict-General Assignment Investigation Section (MPD-GAIS) ang bikti­mang si alyas Ramil, kasama ang kanyang ama sa Sta. Cruz, Manila.

Inireklamo ng biktima si Chairman Felipe Falcon, Jr., ng Bgy. 350 Zone 35, sakop ng Distrito 2 sa Sta. Cruz.

Batay sa ulat, alas-11:00 ng gabi nang maganap ang umano’y panggugulpi ng suspek sa biktima sa loob ng barangay hall sa nasabing lugar.

Wala namang detalye kung ano ang puno’t dulo kung bakit pinagpapalo ng sinturon ang menor- de-edad, habang patuloy na nakala­laya ang suspek.

Gayunman, nabatid na ipatatawag ang chairman upang magpaliwanag sa kasong physical injuries at RA. 7610 o kasong child abuse law at kung mapatu­tunayan ang sumbong, po­sibleng bukod sa kasong kri­minal, mahaharap din ito sa kasong administratibo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page