Search
  • Jeff Tumbado

Pinasok ng akyat-bahay | LOLA PINATAY, INILAGAY SA REF

TADTAD ng saksak at naaagnas na nang matagpu­an sa loob ng refrigerator ang isang lola sa mismong bahay nito sa Bgy. Tabunok, Tali­say City, Cebu, kamaka­lawa.

Kinilala ang biktima na si Victoria Loa, 62-anyos.

Ayon kay Talisay City Po­lice Deputy Chief Inspec­tor Ardy Cabagnot, nitong Biyernes ay nai-report sa ka­nila ng mga kaanak ng bik­tima ang biglaang pagkawala nito.

Kasama pa umano na bu­misita ang biktima sa se­menteryo noong Nobyem­bre 1, ngunit, nang maihatid sa bahay nito ay hindi na nila na-contact at nakita pa.

At nitong Sabado ay bu­malik sa bahay ng biktima ang mga kaanak upang ha­napin ito ngunit, bumungad sa kanila ang umaalingasaw na mabahong amoy.

Binuksan nila ang refri­gerator at dito tumambad ang bangkay ng kanilang lola.

Isa sa mga vault ng ma­tanda ang sapilitang binuk­san kaya tinitingnan ng mga awtoridad ang anggulo ng pagnanakaw.

May natukoy nang per­sons of interest ang mga pulis at ikinakasa na ang follow-up operation laban sa mga suspek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.