Paalam muli ni : hedaya


Buwan na ang lumipas mula noong nagtapos ang ating kuwento.
Hindi makatulog nang hindi umiiyak sa kuwarto —
oo, ganu’n kasakit, bakit?
Sa loob ng maikling panahon, natutunan kong mahalin ka nang buo.
Gusto ko nang palayain ka, pero may parte sa aking puso na ayaw pa.
Walang araw na hindi ko pineke ang aking emosyon na para bang wala akong iniindang sakit.
Ilang buwan na akong ilag na pag-usapan ka,
“talaga bang okay ka?” tanong sa aking sarili.
Ngumiti nang pilit, alam ko na ang sagot.
Ilang buwan muli ang lumipas at nagpakita ka,
nakikipag-usap at ngumingiti na para bang walang nangyari.
Hinawakan mo ang aking mga kamay at nilalaro ang aking buhok,
kaya puso ko’y bumilis ang pagtibok.
Akala ko’y may simula muli,
akala ko’y may karugtong pa ang istoryang dapat ay isasara ko na.
Ngunit, ika’y nawalang bigla, daig pa ang bula.
Unti-unti kong binuo ang sarili ko sa loob ng matagal na panahon,
ngunit, sa isang iglap lamang ako’y wasak muli.
Tanggap ko na ang kuwento natin ay wala nang pag-asa.
Paalam na sa ating alaala.
Hanggang sa muli, aking sinta.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments