- Jeff Tumbado
Magnitude 6 yumanig sa Lanao del Sur

NASA Magnitude 6.0 na lindol ang tumama sa Balindong, Lanao del Sur, kahapon.
Batay sa earthquake information number 2 na inilabas ng Phivolcs, naganap ang pagyanig alas-3:55 ng hapon. Naitala ang episentro ng lindol sa 1 kilometro hilagang-kanluran ng nabanggit na bayan.
May lalim ang pagyanig na 617 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Walang naitatalang intensity ang lindol.
Paglilinaw ng Phivolcs, taliwas sa kanilang naunang earthquake advisory, hindi magdudulot ng aftershocks ang lindol at wala ring inaasahang pagkasira sa mga ari-arian dahil dito.