Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 5, 2018 (Lunes)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 5, 2018 (Lunes): Negosyo ang magpapa­ya­man sa iyo, kaya mag­negosyo ka. Ang totoo, kahit pa may trabaho ka na ay mainam pa rin kung magtitinda ka.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilisan mo at huwag kang babagal-ba­gal dahil ngayon ang ta­mang araw para kumita ka ng malaking halaga ng pera. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-28-30-34-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinta­yin mong du­mapo sa iyong pisngi ang malamig na simoy ng hangin. Ito ay nagsasabing ang masu­werteng araw ay duma­ting na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-18-26-30-33-36-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Hu­wag mong big­yang-pansin ang gumugulo sa dis­karte mo. Ituloy mo lang ang iyong mga plano ka­hit lumapit sa iyo ang mga kontrabida, habaan mo pa ang iyong pasen­siya. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-7-18-25-27-39-40.

CANCER (June 21- July 22) - Pahinga ang kaila­ngan ng isip at ka­tawan mo. Gawin mo ito at makikita mo na ang mga bagay na ayaw mo ay nagiging maganda kung saan makikinabang ka. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-19-21-28-39-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­init na mala­mig, ito ang tawag sa kapa­laran mo ngayon. Nag-aalab ang ningas ng iyong sigasig, pero nanlalamig ka sa pagpapakita ng ma­tatamis na pagkilos sa ta­ong mahal mo. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-15-26-28-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kusang lala­pit ang mga suwerte mo. Ang masayang balita ay nagsasabing hindi pina­ha­ha­lagahan ng langit ang mga hindi magagan­dang katangian na nagha­hari sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-20-28-37-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang mamili ng ma­kakasama da­­hil hindi naman maha­laga kung ano at sino ang mga madidikit sa iyo. Ang mahalaga ay may kasama ka kahit hindi mo siya kilala. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-2-19-23-36-39-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malam­bot ang puso mo, pero ang masayang balita ay nagsa­sabing ang nagku­kun­wa­ring matapang at malakas ang loob ay magiging ba­hagi ng buhay mo kung saan kayo ay aasen­so. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-26-34-36-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kunin mo ang iyong gus­to dahil ito ay talagang para sa iyo. Ka­hit mahirapan ka, kunin mo pa rin ito dahil ito mis­mo ang magsisilbing pam­pasuwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-18-21-26-34-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Hindi mo na kaila­ngang hintayin na ma­hulog ang matamis at hinog na bunga. Akyatin mo ang iyong mga panga­rap at hindi ka mabibigo dahil titiyakin ng nasa ita­as na ang masaganang buhay ay iyong matitikman. Ma­su­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-13-25-32-34-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong habulin ang hindi mo nakuha. Ang para sa iyo ay hindi mo na kailangan pang paghirapan dahil noon pa man, maunlad na ang iyong buhay. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-4-10-11-28-35-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Atras-abante ang makuku­ha mong mala­laking suwerte. Kaya hu­wag kang mapapagod nang sa gayun ay umunlad pa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-9-15-17-30-33.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.