Search
  • BULGAR

FEU TAMARAWS, BINAWIAN ANG UE RED WARRIORS


NAGAWANG maka­ahon sa wakas ng Far Eastern University sa kinasad­lakang apat na sunod na pag­kabigo pagkaraang bawian ang University of the East, 80-61. Nagtala si Arvin To­len­tino ng 18 puntos at 5 rebounds habang nagdagdag si Ken Tuffin ng 17 markers at 4 na rebounds para pamu­nuan ang FEU sa pag-angat sa ika-4 na puwesto kasalo ng University of the Philippines sa patas na kartadang 6-6, panalo-talo.

Nag-ambag din ng ma­laki sa panalo si Barkley Ebona na may double-double 12-puntos at 15-rebounds kabi­lang na ang kanyang inside basket na tumuldok sa inila­tag na 14-3 blast ng Tama­raws sa first period. Mula ro­on, sum

ama na sa scoring spree si Tolentino sa second canto sa pama­magitan ng kanyang back-to-back long-treys na nagresulta sa 34-13 bentahe.

Huling nakalapit ang UE sa iskor na 47-67 palapit sa fourth quarter bago muling umalagwa ang FEU matapos ang dalawang triples nina Axel Inigo at Hubert Cani. Ang kabiguan ang ikapi­tong sunod ng Red Warriors at kani­­lang pang- 11 pang­kalahatan sa loob ng 12 laro. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.