Search
  • BULGAR

Bago pagandahin ang dekorasyon para sa Pasko, siguraduhing safe muna!

NANCY BINAY / SERBISYONG TUNAY

MATAPOS ang ating paggunita sa Undas nitong naka­raang linggo, paniguradong nag-aatubili na ang mga kapwa nating nanay sa mga preparasyon para sa Pasko.

Marami-rami na rin tayong nakita sa social media na nakapaghanda na ng mga dekorasyon sa mga tahanan nila. Ngunit, sa kabila ng excitement nating magmukhang festive ang ating mga bahay kailangang maging maingat tayo sa mga pandekorasyong gagamitin natin.

Mangyari sanang inspeksiyunin muna natin ang mga dekorasyong taon na nating pag-aari dahil hindi maiiwasang may wear and tear na ang mga ito dahil sa kagagamit at kai-store matapos ang Pasko.

Posibleng may mga parte itong maaaring mag-pose ng panganib sa ating mga mahal sa buhay, lalo na sa mga batang natural na curious sa mga bagay sa bahay.

Kadalasan, madaling makaaksidente ang mga parteng exposed na at maaaring makakuryente, areas na exposed ang mga matulis o matalas na mga bahagi kaya mainam na i-note down natin kung kailan natin nabili at sinimulang gamitin ang mga ito. Lalo na ang Christmas lights at parol na gamit pampailaw ng ating tahanan, dapat ay nasa maayos na kondisyon ang mga ito bago natin gamitin.

Gayundin, sa mga lehitimong bilihan lamang tayo dapat mamili upang makasiguro na safe ang mga dekorasyong bibilhin natin. May mga bagay na puwede nating tipirin ngunit, para sa nanay na tulad natin kapag mga dating bagay na maaaring magdala ng panganib sa buhay ng ating pamilya, walang ka­tapat ang ibayong pag-iingat. Iiwas natin sila sa kapaha­makan upang tunay na maging maligaya ang pagdiriwang natin sa kapaskuhan.

Tandaan sana natin na mas mahalaga ang buo, ligtas at masayang pamilya kaysa sa magarbong pagpapakita ng okasyon sa ating mga tahanan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.