Search
  • Jeff Tumbado

Sister Fox, balik-australia na


BAGO lumipad pabalik ng kanyang bansa sa Aus­tralia kagabi, muling inupa­kan ni Sister Patricia Fox ang administrasyon ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte.

Sa kanyang huling pa­hayag sa press conference kahapon, sinabi ng 71-anyos na Australian missionary na hindi dapat mag­bulag-bu­lagan ang mga Pinoy at hindi rin da­pat manahimik sa ma­raming kaso ng human rights violation at extrajudicial kil­lings sa bansa.

“This challenge is very relevant in our current situa­tion. In ‘Evangelii Gaudium,’ Pope Francis states: ‘The pastoral chal­lenge I see now to the church and all people of good will today—not to be silent in the face of massive human rights violations… The times call for us to ‘wake-up the world’ as Pope Francis asks,” pahayag ni Fox na 27 taon nang naka­base sa bansa.

Isang thanksgiving mass ang idinaos para kay Fox sa St. Joseph College sa Que­zon City bago ito takdang bu­malik sa Mel­bourne, Aus­tralia.

Matatandaang, ipinag-utos ng pangulo ang pagpa­pa­layas kay Fox dahil sa pa­ki­ki­sawsaw nito sa ilang mga usaping-politikal.

Kahapon nagtapos ang temporary visa na ibinigay sa kanya makaraang ipawa­lambisa ng Bureau of Immig­ration ang missionary visa nito.

Matapos ang misa, bi­natikos din ng madre pati na ang isinusulong na charter change ng gobyerno.

Ayon kay Fox, “Charter Change threatens to institu­tio­nalize dictatorship. The Church and church people have come under attack with priests even being killed in front of the altar”, pagtata­pos ni Fox.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.