top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Rollback sa gas non-stop, taas-pasahe, tuloy?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2018
1 min read

AGAMA’T, nagsimula na ang dagdag-pasahe sa jeep at bus, may ibang driver na hindi pa rin makasisi­ngil nito.

Sila ‘yung mga wala pang fare matrix at Certificate of Public Convenience mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Natiyempo kasing holiday kaya sarado ang ahensiya.

Kaugnay nito, hindi naman umangal ang mga tsuper na dapat lang.

Kumbaga, matuto tayong sumunod sa batas para walang gulo.

Kaya, “no fare matrix, no increase”, ganu’n lang kasimple.

Samantala, kung chill lang ang mga driver sa medyo delay na taas-pasahe, umaaray naman ang mga pasahero.

Silang mga below minimum ang suweldo, hindi na umano nila alam kung saan kukunin ang dagdag-budget para sa pasahe, lalo na at ang iba ay ilan sakay ang kailangan para makarating sa trabaho.

Hindi rin maiwasang magreklamo ng mga nakabantay sa presyo ng petrolyo, lalo na ngayong sunud-sunod ang rollback, bakit kailangan pang magtaas ng pasahe?

Ito ang isa sa mga isyu na nauna nang napag-usapan.

Ano ba ang dapat maging basehan sa pagtaas o pagbaba ng pasahe?

Hindi kaya dapat nang magkaroon ng mga tiyak na batayan nang hindi na nagtatalo ang mga driver at pasahero?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page