Search
  • Gina Pleñago

Rollback sa gas, non-stop


INANUNSIYO ng mga oil company na muli silang magpapatupad ng rollback sa papasok na linggo.

Epektibo ang bawas-presyo para sa diesel, ga­so­lina at kerosene o gaas, bukas.

Sa kanilang advisory sa Department of Energy, aabot sa P0.79 kada litro ang ba­was sa kada litro ng gasolina, P0.77 sa die­sel habang P0.80 na­man sa kerosene. Matatanda­ang, noong nakaraang linggo nang mag­patupad din ng roll­back sa presyo ng ka­ni­lang paninda ang mga kumpanya ng la­ngis.

Ang panibagong oil price rollback ay kaugnay sa pag­sigla ng piso sa ka­lakalan at bahagyang pag­baba ng presyo ng petrolyo sa world market.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.