Search
  • Green Lantern

PRIDE OF LAGUNA

TULOY ang ligaya ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite. May mga premyo pa rin sa bawat races kaya lahat ng kalahok ay bigay todo para manalo.

Unang karera pa lang ngayong araw ay panigura­dong umaatikabong bakbakan agad ang masisilayan dahil mag­papakitang-gilas ang pitong tigasing pangkarerang kabayo, kasama ang couple entry sa 2018 PHILRACOM 2nd Leg 3-YO Open Challenge Race.

Pili ko sa Race 1 si Pride Of Laguna, (6), panegunda si Viva Morena, (4). Kay Rico Mambo, (4) ako sa Race 2, isama natin sina Alberto, (8) at Bean, (6).

Magandang laban din itong 2-Year-Old Juvenile Colts & Fillies na ilalarga sa Race 3, pili ko si Coup D’ Etat, (6) habang pamorkas si Money For Tony, (4). Kay Goldsmith ako sa Race 4 panuporta natin sina Niccole Girl, (9) at The Barrister, (1).

Kursunada ko si Shadow Of The Sun, (3) sa Race 5, pamorkas si Aya’s Dream, (1). Tatlo ako sa Race 6, mahirap na karera ito, kunin ko sina Oasis, (8), San Rafael, (10) at Universe, (2).

Si Lakan ang pili ko sa Race 7, pamorkas na lang natin si Brennero, (4) habang kina ILove Jane. (9), Jazz Jewel, (11) at Ace Up sa Race 8. Sa Race 9, pili na lang kayo kina Sky Dancer, (2) at Tin Drum, (2A) at mag­kakamping Brilliance, (5) at Hitting Spree, (5A).

Dito ako sa couple entry na You Are My Hero, (3) at Minotaur, (3A) sa Race 10, isama natin sina Big Big Brown, (11) at Brilliant Move, (1).

Paninggel itong si Salt And Pepper, (4), panegunda si Kanlaon, (1) sa Race 11.

Puwedeng solohin si Eagle Nest, (6) sa Race 12 kung gusto n’yo magsama pa ng iba, sina Savior, (7) at Windy Star ay mga matibay na panilat.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.