Papuntang sementeryo | KABIT PINAGBABARIL, TODAS
DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang babae makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan kamakalawa nang hapon sa Alaminos City, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si alyas Norie, 48, may asawa at naninirahan sa nabanggit na lugar. Ayon sa imbestigasyon, lulan umano ng motorsiklo ang biktima patungong sementeryo nang harangin ng mga suspek saka ito pinagbabaril sa katawan.
May hinala ang pulisya na posibleng pinapatay ito ng isa sa mga misis ng mga lalaking nakarelasyon nito.
Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.





Comments