- BULGAR
Pagbanat ni P-Duterte sa Simbahan, taktika para mailihis ang problema sa drugs, taas-presyo at korup
PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN
PAGMUMURA SA MGA KATOLIKO, ‘DIVERSIONARY TACTICS NI P-DUTERTE SA INFLATION, TONE-TONELADANG SHABU AT KORUPSIYON? — Sa dinami-rami ng mga isyung puwedeng gamitin ni P-Duterte para mailihis ang atensiyon ng publiko sa high inflation, puslitan ng tone-toneladang shabu at korupsiyon sa kanyang gobyerno, eh, ang ginawa niyang ‘diversionary tactics’ ay sabihang tarantado at nag-“P.I.” pa sa mga Katoliko dahil nagpapaniwala raw ang mga ito sa mga santo.
Ganyan ka-bad ang pangulo ng Pilipinas, boom!
◘◘◘
KATOLIKO, HINDI KAYANG PABAGSAKIN NI P-DUTERTE — Kahit anong uri ng paninira at pang-aalipustang gawin ni P-Duterte sa Diyos, santo, Simbahan at mga Katoliko ay hindi niya kayang tibagin o pabagsakin ang relihiyong Katoliko.
Sa nakalipas na maraming taon ay marami na ang nanira at naghangad na ibagsak ang relihiyong Katoliko, pero hanggang ngayon ay nananatiling nakatindig ito.
Kaya kung ang tulad ni P-Duterte na kinikilala raw ngayon bilang presidenteng anti-Christ ang maghahangad na ibagsak ang Catholic religion, malabo siyang magtagumpay kasi mas importante pa rin sa mga Katoliko ang pananampalataya sa Diyos kaysa mga pulitikong asal-demonyo, period!
◘◘◘
KAPAG ANG PANGULO AY ‘TAX NANG TAX’, SIGURADONG A ATRAS ANG MGA NEGOSYANTE — Base sa data ng World Bank (WB) “Ease of Doing Business”, bumagsak ang ranking ng Pilipinas sa pang-124 puwesto sa mga bansa sa mundo na mahirap paglagakan ng negosyo.
Ang isa sa basehan ng WB na bad paglagakan ng negosyo ang Pilipinas ay sa dami raw kasi ng mga dagdag-tax na ipinapataw ng gobyerno sa mga nais magnegosyo sa bansa.
Iyan ang bad kapag ang pangulo ay “utak-dagdag tax” kasi ang resbak d’yan ng mga foreign investor ay ang pag-atras sa pagnenegosyo sa Pilipinas, boom!
◘◘◘
MAYOR OLIVAREZ, ‘NGANGA’ SA RAKET NI ‘JOJO’— Hindi pa rin daw naglulubay ang tropa ni alyas “Jojo” sa pangongotong sa mga pobreng vendor sa Baclaran, Parañaque City.
O, ano, Mayor Edwin Olivarez, “nganga” ka na lang ba palagi sa raket ni “Jojo”? Aba, aksiyon na at ipa-“tokhang” mo na si “Jojo” para matigil na ang pangongotong nito sa mga vendor sa jurisdiction mo, dali!