Search
  • Jeff Tumbado

P1.8 bilyong pananim winasak ni 'Rosita'


NASA kabuuang P1.8 bilyong halaga ng agrikultura ang winasak ng nagdaang Bagyong Rosita.

Ayon sa Department of Agriculture (DAR), sina­lanta ng bagyo ang 90,052 ektarya ng mga agricultural land, parti­kular sa Cordillera Autonomous Region (CAR) at sa Re­gions 1, 2 at 3.

Ipinaliwanag ni Agricul­ture Sec. Manny Piñol na mga palay ang grabeng na­salanta ng bagyo.

Nagresulta ito sa pag-akyat sa bilang na 4,921 mga magsasaka ang apekta­do ng bagyo.

Kabilang sa mga pana­nim na grabeng napinsala ay sa Benguet, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, La Union, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Tarlac at Zambales.

Ikalawa sa mga grabeng napinsala ang mga pananim na mais at ikatlo naman ang fisheries sector.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Piñol na hindi ito mag­reresulta sa pagtaas sa presyo ng nasabing uri ng butil.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.