Search
  • Maeng Santos

Lalaki nag-amok, tiklo sa shabu

HULI ang isa umanong drug pusher matapos mag­wala habang armado ng im­provised gun sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City Po­lice Community Precinct 1 Commander PSI Jefferson Guillermo ang suspek na si Rogie Almonicar, 30, ng Bgy. 142, Bagong Barrio.

Alas-10:00 ng gabi nang respondehan ang itinawag kaugnay sa isang lalaki na armado ng sumpak habang nagwawala at naghahamon ng away na nakaalarma sa publiko.

Pagdating sa lugar ng mga pulis, tinangka pang pu­­malag ng suspek subalit, na­aresto rin ito at narekober sa kanya ang isang impro­vised gun na may isang bala ng cal. .38 at tatlong plastic sachets na naglalaman ng hindi matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.