top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

KITEBOARDING BA AT BILLIARDS ANG PAG-ASA SA GOLD NG 2024 OLYMPICS?

  • Eddie M. Paez, Jr
  • Nov 4, 2018
  • 1 min read

POSIBLE bang mag­karoon ang Pilipinas ng da­lawang medalyang ginto sa Olympics anim na taon si­mula ngayon?

Hindi ito im­posible at may liwanag na na­aaninag kung ang pagbaba­sehan ay ang mga kaganapan kama­kailan sa dalawang lara­ngan: kite­boarding at billiards.

Sa Buenos Aires, Argen­tina noong unang linggo ng nakaraang buwan, nakuha ni Christian Tio, tubong Bora­cay at isang Fil-foreigner, ang 2018 Youth Olympic Games (YOG) silver medal nang su­mabak siya sa kite­boarding (IKA Twin Tip Ra­cing).

Malaki ang potensiyal ng binatilyong may lahing Nor­wegian dahil sa siya ay 17-anyos pa lang at kapag idi­naos na ang 2024 Olym­pics, nasa kasagsagan na ito ng kanyang husay kung hindi ito kakalas sa sport na na­banggit. Napaulat din na pinupuntirya na ni Tio ang 2024 Olympiad.

Marso naman ng taong ito nang ilunsad ang kam­panya para mapabilang ang larong bilyar sa 2024 Olym­pic Games sa France. Sa pa­ngunguna ng World Confede­ration of Billiards Sports (WCBS), inilatag sa Interna­tio­nal Olympic Com­mittee (IOC) ang layuning madag­dag sa 2024 event ang bilyar.

Kasama sa aktibidades na ito ang suporta mula sa host na Federation Francaise de Billard (EFB). Ang kam­panya ay tinaguriang “Bil­liards 2024 Paris.”

Hindi na maitatanggi ang galing ng Pinoy sa pool table. Ang mga pangalang Efren “Bata” Reyes, Francisco “Di­ango” Bustamante, Den­nis “Robocop” Orcullo at Carlo “Black Tiger” Biado, pulos bilyaristang mula sa Pilipinas ay sumisimbolo sa malupit na tikas pagdating sa larangan ng world billiards.

Noong 2017, napunta kay Biado ang kampeonato ng World 9-Ball nang ga­napin ito sa Qatar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page