KATUTUBONG MANGYAN, ENDURANCE RUN SA LAGUNA AT HEROIC RUN SA AMORANTO
- BULGAR

- Nov 4, 2018
- 1 min read

MGA hindi na ginagamit na banig, kulambo, kumot at inuminan na container ang maaring mai-donate ng isang kalahok na runner sa non-competitive fun run para sa katutubong Mangyan sa tampok na magdamagang takbuhan sa Enero 12-13, 2019 ang 6HRS + 5K Endurance Run na idaraos sa Paseo de Sta. Rosa, Greenfield City district, Laguna.
Ang patakbo na may registration fee na P2,000 ay may side event ding 3K (P600), 5k (P650) at 10K (P750) run kung saan lahat ng magpaparehistro ay tatanggap ng bib, finisher’s medal at shirt. Ang makatatapos naman ng kumpletong 6 na oras na kahit mag-walkathon lamang at 5k endurance run ay may finisher’s shirt at tropeo.
Samantala, idaraos ang Heroic Run ng ilovemycountry. ph Inc. sa Nob. 10 sa Amoranto Sports Complex sa Roces Ave., Quezon City na may 5k distance run at ang unang 10 na makatatapos ay may finisher’s medal.
Ngayong alas-3 din ng hapon idaraos ang EBC Eagle Broadcasting Company Family Fun Run 2018 sa Philippine Arena,Bulacan kung saan ang patakbo ay may mga kategoryang 1.062k (P350) 2.5 km (P500) 5km (P750) at 9.55 km (P1,000) na sasamahan ng race bib, singlet, loot bags, finisher’s shirt para sa 5.0 km at finishers medal din sa 9.55 km. Maaring magpatala sa Eagle Broadcasting Corp. Bldg sa 25 Central Ave., Culiat,Diliman, Q.C.
(A. Servinio)





Comments