Kahit kontrabida pa… KRIS, INALOK ANG SARILI MAKASAMA LANG SA MOVIE NINA SHARON AT GABBY

SA post ni Sharon Cuneta sa Instagram (IG), sinabi nito kung bakit mahal niya si Kris Aquino. Naikuwento ni Sharon na nu’ng araw-araw siyang naba-bash, ‘yung time na hindi natuloy ang reunion movie nila ni Gabby Concepcion, si Kris lang ang nag-message sa kanya to show her support.
Mahaba ang post ni Sharon pero kinuha lang namin ang part na nabanggit niya si Kris: “I need you to know that it was ONLY KRIS who sent me a message that included these words; I LOVE YOU AND I WANT TO FIGHT FOR YOU! Now this, Kris made me cry. I kept it to myself because I didn’t know how to react.”
Marami ang naintriga sa sumunod na post ni Sharon at gusto tuloy malaman kung sino ang ini-expect niyang magpapakita ng suporta, pero hindi ginawa.
“Truth be told, I probably expected too much from other friends-one in particular: whom I thought was my protector and one of my best friends no matter what’ one that would’ve at least said something about how a true gentleman should’ve acted, meaning, hindi dapat ako binabastos kasi babae ako. But nope. No one came through for me.”
Sumagot si Kris kay Sharon at sa sagot nito, may mga nalaman ang mga nakabasa, gaya ng ipinagdasal niyang matuloy ang movie nina Sharon at Gabby at nag-offer pa siyang maging kontrabida ni Sharon.
Nabanggit din ni Kris ang deal niya kay Sharon na ‘pag nagkaroon ng concert dito o kahit saan mag-concert ang Momoland, manonood sila kasama ang kanilang mga anak. Favorite kasi ni Miel (anak ni Sharon) ang Momoland at may crush naman si Bimby sa mga members na sina Nancy at Daisy. Mas masaya nga naman kung sama-sama silang manonood.
May nakakatuwa pang sinabi si Kris na sayang at hindi sinagot ni Sharon, “Wala bang biyudo or single friend si @kiko.pangilinan?”





Comments