- Pabs Hernandez III
Driver tepok sa gunman
NORTH COTABATO—Isang tricycle driver ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa bayan ng Pikit sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Kedgi Ali, residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang namamasada si Ali ay nilapitan ito ng suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.
0 comments