Bagong buhay na raw… KIM, BABU NA SA PAGPAPATIKIM SA MGA LALAKI
- BULGAR

- Nov 4, 2018
- 1 min read

SA 2019 ay magpapalit na ng image ang dating car exhibit model na naging “Money Girl” ni Kuya Willie Revillame sa Wowowin na si Kim Domingo.
‘Di na trip ni Kim ang magtalop at makipagromansa sa kanyang leading men either sa teledrama o pelikula. Gusto talaga niyang maging wholesome.
Kaso, tanggapin kaya siya ng mga fans, especially men folks na kung sambahin siya’y mala-diyosa?
So, ang mangyayari’y sa segment niyang Patikim ni Kim sa Bubble Gang lang masisilayan ang kanyang malulusog na dibdib at super-kinis na long legs. Ayaw ng mga macho ng ganyan, huh!





Comments