Search
  • Jeff Tumbado

Agawan sa babae 2 kelot dedbol


KAPWA patay ang da­lawang lalaki matapos mag­tagaan dahil sa ba­bae sa Sitio Mahaya­hay, Daan­lungsod, Toledo City, Cebu.

Kinilala ang mga na­sawi na sina Joel Caba­luna, 43, at Inigo Sibugal, Jr., 41.

Ayon kay PO1 Barto­mi­ano Gargar, nagkasa­gutan ang dalawa dahil ang dating live-in partner ni Cabaluna na si Liezel Cañete ay kina­kasa­ma naman ngayon ni Sibugal.

Hanggang sa tinaga ni Sibugal si Cabaluna na agad namang binawian ng buhay.

Gayunman, gumanti ang kamag-anak ni Ca­baluna na sina Hilbert La­rino, Remegio Ca­ba­luna, Ino Larino at Junel Ca­baluna at pinagtu­lungang pagtatagain si Joel hang­gang sa mamatay.

Agad din namang na­huli ang mga suspek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.