Worried sa naninilaw na mga mata ng asawa

Dear Doc. Shane,
Naninilaw ang mga mata ng aking asawa ngunit, ayaw nitong magpa-check-up. Marahil, natatakot siyang malamang may hepa siya kasi malakas siyang uminom ng alak. Gayunman, ano kaya ang sanhi ng kanyang paninilaw? — Alice
Sagot
Ang Hepatitis B ay sa mga posibleng sanhi ng paninilaw ng mga mata. Mayroon iba’t ibang kondisyon sa iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng apdo (gall bladder), bato (kidneys), atay (liver) at maging sa dugo mismo na puwedeng maging sanhi ng paninilaw ng mga mata at paninilaw ng katawan kaya kung pagbabasehan natin ang inyong kuwento, wala tayong maibibigay na tiyak na kasagutan para sa kalagayan ng inyong mister. Subalit, kung siya ay hindi nakapagpabakuna sa Hepatitis B, malaki ang posibilidad na ito ay hepatitis.
Gayunman, pinapayuhan pa rin kayo na dapat magpakonsulta agad sa doktor ang inyong asawa upang matiyak ang sanhi ng paninilaw ng kanyang mga mata. At depende sa doktor na mag-eeksamin, maaaring magpagawa siya ng blood tests upang malaman kung may Hepatitis B o wala, gayundin, aalamin kung ano ang maaaring sanhi ng paninilaw. Mas makabubuti kung alisin muna sa isipan ang takot upang maagapan ito bago pa lumala.





Comments