Search
  • Clyde Mariano

SHIN, ABOT-KAMAY ANG CHAMPIONSHIP SA ICTSI WORLD 18 GOLF CHALLENGE


TILA magiging masayang ipagdiriwang ni Micah Lauren Shin ang kanyang ika-22 kaarawan sa Nov. 27 at kailangan ang one big round para mapasakamay ng Korean-American na naninirahan sa Pinas ang $100,000 ICTSI Summit Point World 18 Golf Challenge kasama ang $17,500 first prize money.

Pumalo si Shin, ipinanganak sa Seoul, South Korea at lumaki sa US at nanirahan sa ‘Pinas kasama ang kanyang mga magulang, 65 at lumikom ng tatlong rounds 204 at abot kamay ang pang apat na panalo sa dalawa ngayong 2018 at isa sa Asian Tour na ginawa sa Southwoods ng nakaraang taon.

“I have to play another good round in the final round to win,” sabi ni Shin kumuha anim na birdies kasama ang tatlong holes sa 16th, 17th at 18th holes at dalawang eagles sa third at fifth holes.

Lamang si Shin ng dalawang strokes kina Janne Kaske ng Finland at Elmer Salvador na tumapos sa parehong kartadang 206 kasama ang 70 at 67.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.