Search
  • BULGAR

Preso nagbaril sa ulo

ISANG bilanggo ang nagbaril sa sarili gamit ang service firearm ng isang pulis sa Dagupan City.

Sa isang panayam kay C/Insp. Ador Tayag, na­ganap umano ang in­si­dente mata­pos saman­talahin ng de­tainee na si Rodulfo Rivera ang pag­kakataon habang iniaabot ni PO1 Jessa Mae Ga­garin, desk officer ng Asi­ngan PNP, ang baon na pagkain ng kaanak ng isa pang detainee na si Sam­my Orallo.

Sinubukan pa uma­nong kausapin ng mga pulis si Rivera subalit, hindi na ito napakalma pa at tuluyan nang nagbaril sa kanyang ulo na dahilan ng agaran nitong kama­tayan.

Nabatid na si Rivera ay nahaharap sa kasong ho­micide dahil sa umano’y pagpatay sa kanyang bayaw. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.