top of page
Pokwang.jpg

Para sa mga beshy natin diyang pasaway, read n’yo ‘to, dali! TIPS UPANG MAIWASAN ANG PAGKAKALAT SA B

No Problem
Nov 3, 2018
1 min read

NAIIRITA ka ba sa mga kalat, besh? Na­ku, don’t worry dahil heto ang ilang tips upang maiwasan ang pagka­kalat sa loob ng ba­hay.

1.CLEAN UP ANY AND ALL MESSES IMME­DIATELY. Kung nakikitang makalat na, hu­wag mo na itong hinta­yin na madagdagan pa, kaya kung kaya naman itong linisin kaagad, gawin mo na ito, besh, para hindi na lalong makalat ang bahay.

2.MAKE A HABIT OF CLEANING UP AS YOU GO. Mainam na mag-multitasking nang sa gayun ay walang nasasayang na oras. Halimbawa, habang nagluluto ay naghuhu­gas na tayo ng plato nang sa gayun ay nababa­wasan na ang kalat kahit papaano.

3.TAKE 15 MINUTES A DAY TO CLEAN YOUR HOME. Maglaan ng 15 minuto kada araw sa paglilinis ng bahay, bukod sa nakapag-ehersisyo ka na, eh, lumi­nis at naging maali­walas pa ang inyong tahanan.

4.KEEP A BAG/BOX FOR ITEMS THAT YOU NO LON­GER USE OR NEED. Maghanap ng lalagyan para sa mga gamit na hin­di na ma­da­las gamitin upang mai­wa­san ang mga tambak. Pero, kung gustong kumita ng pera, puwede ka ring mag-garage sale sa tapat ng inyong bahay. Oh, ‘di ba, bongga?

5.CLEAN DURING COMMERCIAL BREAKS. Kung nano­nood ka ng TV, besh, hindi naman masama ang magwalis, magpu­nas, magpagpag at mag­lampaso, kaya inirere­komenda rin ito upang maging kaaya-aya ang ating bahay, lalo na kung madalas, eh, tumatang­gap tayo ng mga bisita.

Oh, ayan, dehins na tayo mamumroblema sa mga kalat na paulit-ulit nating nakikita at nililinis, besh. ‘Ika nga, basta may tiyaga, may nilaga.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page