Search
  • BULGAR

Pagpapagaan sa magastos na pampaospital, gawin!

JV EJERCITO / BOOM!

BATAY sa pag-aaral, lagpas sa singkuwenta porsiyento (50%) ng gastos sa pagpapagamot o pagpapaospital ay nanggagaling sa sariling bulsa ng maysakit.

Ang gobyerno sa pamamagitan ng PhilHealth ay 20 porsiyento lamang ng gastos ang sinasagot at ang kulang ay ipipila ang kaawa-awang tatay, nanay, kapatid, anak o minsan lolo o lola pa ng maysakit sa PCSO, sa governor, mayor at sa barangay captain para makahingi ng kaunting tulong.

At kung kulang pa ang pera ay gumagawa ng ibang paraan kaya halos maubos na ang mga gamit sa bahay dahil sa kaliwa’t kanang pagbebenta para lamang maipandagdag sa malaking bayarin sa pagpapagamot.

Masakit sa ulo kapag naospital ang maysakit kasi magastos kaya kung minsan ay halos mabaon na tayo sa utang at dahil dito ay nahihirapan na tayong makaahon.

Gayunman, sa UHC ay baligtad na ang sitwasyon dahil ang beinte porsiyento ng gobyerno ay pipilitin nating maging trenta o kuwarenta o kung papalarin ay kahit hanggang singkuwenta porsiyento pa at ang 50 percent out-of-pocket ng maysakit ay sisikapin nating maging beinte porsiyento na lang kaya siguradong mapagagaan ang pasanin ng ating mga kababayan kapag sila ay nagkasakit dahil sagot na ng gobyerno ang mas malaking bahagi ng gastos.

At ang maganda pa rito, inaasahan nating magiging ganap na batas ito bago pa matapos ang kasalukuyang taon. Basta Pilipino, covered na ng health insurance ng gobyerno kaya lahat ay may access na sa abot-kaya o affordable health services.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.