Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG MAGING MALIGAYA SA TAONG 2020

Maestro Honorio Ong

KATANUNGAN

  1. Maestro, may ita­tanong lang ako tungkol sa guhit ng aking mga palad. Ano ba ang ibig sabihin kapag biglang huminto ang makapal na Fate Line sa aking palad nang ito ay mabangga ng Heart Line ko?

  2. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ako bilang receptionist sa isang res­toran at regular na ako. May boyfriend ako, pero wala pa akong balak na mag-asawa dahil nagpa­paaral pa ako ng aking mga kapatid na mas bata sa akin.

  3. Ang tanong ko, kami na ba ng boy­friend ko ang magkakatuluyan o may darating pang ibang lalaki sa buhay ko? Dalawa kasi ang Marriage Line ko sa aking mga palad at ‘di ba, ang sabi ninyo, ang ibig sabihin nito ay da­lawang pag-aasawa at pakikipagrelasyon?

KASAGUTAN

  1. Kapag ang ma­ganda at makapal na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) ay biglang hu­minto matapos mabangga sa Heart Line (h-h arrow b.) sa kaliwa at kanang palad at pagkatapos ito ay hindi na muling nagpa­tuloy, dalawa ang ibig sa­bihin nito.

  2. Una, ito ay tanda na maaaring dahil sa maling relasyon ay bigla kang mawawalan ng career o mahihinto sa trabaho. Gayunman, maaari rin naman ang ibig sabihin nito ay kapag nag-asawa ka na, patitigilin ka na ng mister mo sa pagtatra­ba­ho, kaya magiging house­wife ka.

  3. Ang pangalawa naman ay dahil ang na­banggang Fate Line mo (Drawing A. at B. F-F arrow a. at h-h arrow b.) sa Heart Line mo (arrow b.) ay malapit na sa kan­yang destinasyon (Mount of Saturn arrow c.), ito ay tanda na kapag nag-asawa na ang nasabing indibidu­wal, ang kan­yang career ay iiwanan na niya, suba­lit, ang mga naipon at pi­nag­hirapan sa mga naka­raang taong pagtatraba­ho ay maiu­ukol niya na lahat sa kan­yang mga anak at sa pag-aaruga sa kanyang pa­milya.

  4. Ibig sabihin, ang ka­buhayan niya na naipon sa trabaho o kaya ay sa negosyo ay magagamit niya sa pagpapasarap ka­piling ang kanyang mga mahal sa buhay.

  5. Hinggil naman sa dalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow d. at e.) na mag­kalapit, maaaring ito pa rin ang kasalukuyan mong boyfriend, ang maliit na espasyo sa pagitan ng da­lawang Marriage Lines (arrow f.) ay maaaring isang babala na magbe-break kayo ng boy­friend mo o kaya ay ma­tagal kayong magkakahi­walay, pupuwede ring baka mag-abroad siya o ikaw ang mag-abroad. At dahil sa paglalayong na­banggit, parang break na kayo, ngunit, matapos ang ilang taon, muli ka­yong magsasama kaya muling mabubuo ang in­yong dating masaya at pangha­bambuhay na re­lasyon.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Maribel, tiyak ang magaganap sa taong 2020, ang kasalukuyan mong boyfriend ang na­katakda mong mapanga­sawa at sa sandaling may asawa ka na, maaaring obligadong pahintuin ka ng iyong mister sa pagta­trabaho upang maiukol mo naman ang iyong pa­nahon sa pag-aaruga ng mga anak nang sa ga­yun sa susunod pang mga taon ay tuluyan na kayong ma­kabubuo ng isang ma­saya, matagumpay at pangha­bam­buhay na pamilya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.