Search
  • BULGAR

Kung maaaring makaboto kahit nakabase sa ibang lugar

DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY

Dear Chief Acosta,

Ako ay mamamahayag na naatasang mag-cover ng eleksiyon sa 2019 at nakabase sa malayong lugar. Sinabihan ako na ang flight ng aming grupo na naatasang magbigay ng report tungkol sa nasabing lugar ay magaganap dalawang araw bago ang araw ng eleksiyon at makababalik lamang kami isang araw pagkatapos ng halalan. Nasi kong malaman kung maaari akong makaboto sa lugar na iyon? — Zoie

Dear Zoie,

Para sa inyong kaalaman, ang Republic Act No. 10380 o mas kilala bilang “An Act Providing for Local Absentee Voting for Media” ang siyang batas na angkop sa inyong katanungan. Ayon sa Section 2 ng nasabing batas:

“Section 2. Local Absentee Voting for Members of Media. – The Commission on Elections shall extend the right to vote under the local absentee voting system provided under existing laws and executive orders to members of media, media practitioners, including the technical and support staff, who are duly registered voters and who, on election day, may not be able to vote due to the performance of their functions in covering and reporting on the elections: Provided, that they shall be allowed to vote only for the positions of President, Vice President, Senators and Partylist Representative.”

Samakatwid, maaari kayong bumoto sa pamamagitan ng local absentee voting base sa nabanggit na probisyon ng batas.

Kaugnay nito, upang kayo ay makaboto sa ilalim ng batas na ito, kinakailangang kayo ay rehistradong botante na may active status at maliwanag sa inyong mga dokumento na ang inyong trabaho sa pag-cover at pag-report ng kalagayan ng eleksiyon sa partikular na lugar ang dahilan kung bakit hindi kayo makaboboto sa inyong lugar.

Tandaan lamang ninyo na limitado ang inyong pagboto sa posisyon ng presidente, bise-presidente, senador at partylist representative na pagbobotohan sa darating na halalan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga salaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.