top of page
Pokwang.jpg

Kaya garden wedding na lang sa Batangas sa Dec. 17… KASAL NINA NORA AT BOYET, AYAW GAYAHIN NI LOTLOT

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 3, 2018
2 min read

ABALANG-ABALA na si Lotlot de Leon para sa nalalapit na kasal niya sa Lebanese businessman na si Fadi El Soury sa Batangas next month. Taliwas sa bali-balita na isang beach wedding ang magaganap, not true. But instead, it’s a garden wedding.

Wit siguro feel ni Lotlot gayahin ang beach wedding ng kanyang mga magulang na sina Nora Aunor at Christopher de Leon na alam naman ng lahat ang kinahinatnan. But according to our source, sa Batangas pa rin ang venue para sa garden wedding nina Lotlot and Fadi.

Kinumpirma rin ng aming source na ang exact date ng wedding nina Lotlot and Fadi ay December 17, 2018 (Monday).

Lotlot and Fadi are together for almost six years now. We heard kasundo raw ni Fadi ang biological dad ni Lotlot at ang kanyang kinalakihang ama na si Boyet.

Not true rin daw ang tsika na hindi imbitado ni Lotlot ang kanyang Mama Guy at Papa Boyet dahil very intimate ang wedding kaya ang mga anak lang ni Lotlot from her previous marriage kay Ramon Christopher ang imbi­tado.

Ang tanong, siputin naman kaya ni Nora ang wedding ni Lotlot? Kaya malamang, ‘di rin sure kung darating si Nora sa event ng kanyang anak gaya ng ginawa niya sa kasal ni Ian de Leon. Nagsabi na nagbibihis na raw siya pero hindi rin dumating.

Samantala, parang kailan lang nu’ng masaksihan namin ang ‘controversial’ wedding nina Lotlot at Monching sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan noong March 27, 1989.

Feel na feel ang tension sa okasyon between the Superstar at sa ina ni Monching and Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales. But they both remained civil kaya nairaos naman ang wedding.

Pero feeling namin that time, ipit na ipit ang newlyweds at wala lang magawa sa kung ano ang kalalabasan ng wedding nila. Para tuloy sila ang bisita sa sarili nilang kasal.

So, this time, sure kami na si Lotlot ang punong-abala sa lahat and every single detail sa kasal ay galing sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page