Hirit ni P-Duterte, picture niya, ilagay sa altar at sambahin, ngek!
- BULGAR

- Nov 3, 2018
- 2 min read
WALANG KATAPUSANG BANAT NI P-DUTERTE SA DIYOS, MGA SANTO AT KATOLIKO —Tila wala nang katapusan ang mga pang-aalipusta at pagmumura ni P-Duterte sa Diyos, mga santo at Simbahang-Katolika, dahil sa kanyang “Undas message” ay bukod sa tinawag na nitong “tarantado” ay nag-“P.I.” pa ito sa mga Katoliko dahil ang mga santo raw ng mga ito ay mga lasenggo.
Ang matindi, sinundan pa ito ng pang-aasar ni P-Duterte sa mga Katoliko nang sabihin na ang litrato niya na tinawag niyang “Santo Rodrigo” ang ilagay sa altar para sambahin ng mga Katoliko, buwisit!
◘◘◘
KAPARTIDO SA PDP-LABAN TABLADO; KASI SI CAYETANO NG NP, SUPORTADO NI P-DUTERE —Dumalo si P-Duterte sa birthday ni ex-DFA Sec. Alan Peter Cayetano noong Oct. 28, 2018 at sa harap ng mga bisita ay itinaas ng pangulo ang kamay nito bilang tanda na ito ang “manok” niya sa pagka-kongresista ng 1st Dist. ng Taguig City.
Dahil diyan, malamang naghihimutok sa inis si PDP-Laban Congressional candidate Alan Cerafica kasi imbes na siya ang suportahan ni P-Duterte dahil magkapartido sila, eh, ang kalaban niyang si Cayetano ng Nacionalista Party (NP) ang deklaradong susuportahan ng pangulo sa pagka-kongresista ng Taguig, boom!
◘◘◘
CAYETANO, NEXT KAY GMA SA PAGIGING SPEAKER? ABANGAN! — Nang mag-resign si Alan Peter Cayetano bilang DFA sec., sinabi nitong mismong si P-Duterte raw ang nagsabi sa kanyang kumandidato ito sa pagka-kongresista sa Taguig dahil siya raw ang gusto ng pangulo na maging House Speaker bilang kapalit ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na matatapos na ang termino.
Sana, ang sinabing ‘yan ni Cayetano ay tinandaan ni Cerafica para hindi na siya umaasa ng suporta mula sa pangulo.
Ang sakit kaya na ang makatutunggali niya ay pinuri-puri ni P-Duterte na maganda raw ang nagawang reporma sa DFA, sabay taas sa kamay ni Cayetano na ito ang “manok” niya sa pagka-kongresista ng Taguig City at hindi ang kapartido niyang si Cerafica, aray!
◘◘◘
KAILAN IPATO-’TOKHANG’ NI GUERRERO ANG MGA BEBOT NA SMUGGLER SA BUREAU OF CUSTOMS? — Kahit si ret. AFP Chief Gen. Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero na ang Bureau of Customs chief ay namamayagpag pa rin daw ang smuggling operation sa BOC nina “Kimberly”, “Tina”, “Bebang” at “Big Mama”.
Kailan kaya ipato-”tokhang” ni BOC Commissioner Guerrero ang mga bebot na smuggler na ito? Abangan!





Comments