Search
  • BULGAR

Habang bumibisita sa sementeryo | 2 WANTED, TIMBOG

HULI ang dalawang wan­ted personalities habang bumibisita sa kanilang mga kaanak sa sementeryo sa Batangas.

Kinilala ang mga naaresto na sina Edgar Pines, 46, may kasong frustrated murder at nagtago sa batas mula 2013 at Marilou de Guzman na sangkot sa iligal na droga at dalawang taon nang nagta­tago sa batas.

Top 5 most wanted per­sonality sa lungsod si De Guzman habang Top 3 na­man si Pines.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang mino-monitor ang pinaglalagian ng dalawa hanggang sa may na­karating sa kanilang impormasyon na posible umanong dumalaw sa mga kaanak sa semen­teryo ang dalawa noong Huwebes.

Magkasunod na naaresto sa magkahiwalay na se­men­teryo ang mga suspek na kapwa tumangging magbi­gay ng pahayag. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.