- BULGAR
BARRIGA SA 1ST WORLD TITLE, NIETES, BABANAT SA JAPAN

NANGAKO si Mark Barriga na sisikapin na niyang magwagi dahil minsan lamang manayari ito sa buhay niya bilang boksingero.
Kauna-unahang world championship fight ito ng one-time Olympian kontra kay Carlos Licona para sa bakanteng International Boxing Federation mini-flyweight crown na idaraos sa Staples Center sa Los Angeles, U.S.A.
Ang Dis. 1 na laban ay magsisilbing undercard sa World Boxing Council heavyweight title match sa pagitan nina Deontay Wilder at Tyson Fury.
Sinabi ni Barriga sa Spin.ph na excited siya at medyo pressure sa kanyang pag-akyat at pagbanat sa big stage sa unang pagkakataon sa kanyang bata pang pro career. Ang 25-anyos na tubong Danao, Cebu ay walang talo sa kanyang 9 na laban (1 KO).
Samantala, sa isa pang bakbakan ng tatlong world division world champions, makikipagbangasan si longest reigning Filipino world champion Donnie ‘Ahas’ Nietes kay Kazuto Ioka ng Japan sa Dis. 31 sa Macau para sa bakanteng WBO world super flyweight title, ang proposed fight ay ‘unanimously approved’ na umano sa Panama ng WBO executive committee na lumabas sa Philboxing sa kasagsagan ng Ratings discussion sa third at final day sa idinaraos na 31st WBO Annual Convention sa iconic na El Panama Hotel.
Si Nietes, 36-anyos na ranked No. 1 ng WBO sa super flyweight division ay sumagupa kay No. 2 ranked fellow Filipino Aston Palicte sa bisa ng kontrobersiyal na draw noong Set. 8 sa The Forum sa Inglewood, California sa ‘Superfly 3’ card kung saan nakita ng marami na si Nietes ang nagwagi sa laban.
Si Ioka, 29-anyos ay ranked no. 3 ng WBO sa kanilang latest rankings ay sumagupa rin sa parehong card at dinomina si two-time world title challenger McWilliams Arroyo ng Puerto Rico nang magwagi sa unanimous decision. (MC)