Search
  • BULGAR

Alam na this! MAINE AT ARJO, NAKAPANG-COUPLE COSTUME NU'NG HALLOWEEN

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MUKHANG kinumpirma naman nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang usap-usapang ‘dating’ na silang dalawa dahil muli silang namataan na magkasamang puma-party at nag-celebrate ng Halloween sa isang bar sa BGC, Taguig.

Ang mas nakakagulat pa, eh, couple ang character na napili nilang gayahin, sina Daphne and Fred, love team na mula sa cartoons na Scooby Doo.

Halu-halo tuloy ang reaction ng mga netizens dahil wala pa namang sinasabi si Arjo na break na sila ng GF na miyembro ng Girltrends ng It’s Showtime na si Sammie Rimando.

Sabi ni Coolbreeze_01: “Ang hilig sa taken.”

May nagsabi ring netizen na ang hilig daw ni Maine sa mga lalaking mahilig pumarty at kaya siyang irampa sa bar tulad ni Arjo Atayde.

Sabi naman ni Xfranchoise: “‘Yan ang mga gustuhing lalaki ni @mainedcm ‘yung irarampa siya sa bar at laging may time sa kanya, ‘di niya feel ang pagiging hardworking & family oriented ni @aldenri­chards02"

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.