Search
  • Pabs Hernandez III

Rider dedbol sa aksindente

PANGASINAN—Isang hindi kilalang rider ang namatay nang sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Pogonlomboy, Mangatarem sa lalawigang ito.

Ang biktima ay tinatayang nasa pagitan ng 40-45 ang edad, nakasuot ng puting t-shirt, kulay gray na short pants at nakatsinelas.

Ayon sa mga saksi, napadaan ang motorsiklo ng biktima sa tambak ng graba sa nasabing lugar kaya ito sumemplang at nabagok ang ulo sa sementadong kalsada.

Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.