Search
  • Maeng Santos

Parak binentahan | MISIS TIKLO SA DRUGS


ISANG misis na hini­hinalang tulak ng iligal na droga ang naaresto matapos magbenta ng shabu sa pulis sa buy-bust operation sa Ma­labon City.

Kinilala ni Malabon Po­lice Chief Sr. Supt. Jessie Tamayao ang suspek na si Baby Rose Jiongco, 39, ng Bgy. Hulong Duhat.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ramos Timmago, alas-8:00 ng gabi nang mag­sa­gawa ng buy-bust operation ang SDEU at PCP-5 sa pangunguna nina PSI Johnny Baltan at P/Insp. Ferdinand Espiritu kontra sa suspek ma­lapit sa kanyang bahay.

Matapos iabot ng sus­pek ang isang plastic sachet ng shabu sa undercover po­lice poseur-buyer kapalit ng marked money ay agad lu­musob ang mga naka­anta­bay na operatiba at inaresto si Jiongco.

Walong plastic sachets na naglala­man ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihi­nalang shabu at buy-bust money ang narekober ng mga operatiba mula sa sus­pek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.