Onli in da Pilipins na ang Senate president, join daw sa pambabalahura ng pangulo sa Konstitusyon, h

MATAAS NA NGA ANG PRESYO NG MGA BILIHIN, SASABAYAN PA NG MATAAS NA TERMINAL FEE NG NAIA—Simula sa Abril 2019, magtataas ang NAIA ng halos 50% sa terminal fee sa international at domestic flights.
Grabe, halos lahat ng presyo ng mga bilihin at bayarin nagtaasan na at ang natira na lang na mura ay ang mga pagmumura ni P-Duterte, boom!
◘◘◘
SOTTO, JOIN SA PAMBABALAHURA NI P-DUTERTE SA KONSTITUSYON —Labag sa Konstitusyon na isailalim sa military control ang pangsibilyang ahensiya na tulad ng Bureau of Customs (BOC) na imbes punahin ito ni Senate Pres. Vicente ‘Tito’ Sotto III, aba, sinuportahan pa nito ang naging aksyion ni P-Duterte na mga militar na ang mamuno sa mga departamento ng Bureau of Customs.
Iyan ang Senate president ng Pilipinas, join sa pambabalahura ni P-Duterte sa Konstitusyon, buwisit!
◘◘◘
DAHIL LAGING WALANG ALAM, DAPAT MAG-RESIGN NA SI LORENZANA — Sa mga naging kalihim ng Department of National Defense (DND), si Sec. Delfin Lorenzana lang ang laging walang alam sa mga nangyayari sa kanyang tanggapan.
Sabi niya noon, hindi raw niya alam na blacklisted sa South Korea ang kinuha nilang frigate supplier, hindi niya alam na may dumaong na warplane at barko ng China sa Davao City at ang latest, hindi niya alam na nasa military control na ang Bureau of Customs.
Kung ganyan kainutil si Sec. Lorenzana, dapat mag-resign na siya sa kanyang posisyon, now na!
◘◘◘
MGA HEPE NG QCPD STNS. 1,2 AT 3, ‘NGANGA’ SA PA-JUETENG NI ‘RYAN’ — Sa 12 presinto ng Quezon City Police District (QCPD), tanging sa mga lugar na sakop ng presinto 1 (Laloma), presinto 2 (Masambong) at presinto 3 (Talipapa) lang daw nag-o-operate ang pa-jueteng ni “Ryan”.
Kung totoo ito, aba, dapat kuwestyunin ni QCPD Director Joselito Esquivel, Jr. sina QCPD-Stn. 1 commander, Supt. Robert Sales, QCPD-Stn. 2 commander Supt. Rodrigo Soriano at QCPD-Stn. 3 commander Supt. Alex Alberto kung bakit “nganga” lang sila sa pa-jueteng ni “Ryan”, period!





Comments