Naki-Halloween party sa sosyal na club | PULIS HULI SA AKTONG SUMISINGHOT NG COCAINE

ARESTADO ang isang pulis na naaktuhan umanong nagko-cocaine sa palikuran ng isang night club kung saan ito naki-Halloween party sa Taguig City.
Kinilala ang suspek na si PO1 Redentor Bautista, 34, nakatalaga sa Manila Police District Station 1.
Base sa ulat ni Supt. Jenny Tecson, nabisto umano si PO1 Bautista na sumisinghot ng cocaine sa comfort room ng Island Palace Club sa Bonifacio Global City (BGC) alas-11:45 ng gabi.
Nakuhanan ang pulis ng isang ziplock transparent plastic sachet na naglalaman ng umano’y cocaine na dahilan upang siya ay arestuhin.





Comments